BIYERNES SANTO

picture-480.jpg     Teka muna….magtatagalog muna ako ngayon!!!Ano ba ang SEMANA SANTA? Ito ang araw kung saan ginugunita natin ang araw kung saan si KRISTO ay nagpakasakit at ipinako sa krus para tubusin ang kasalan ng sangkatauhankasama na ko dun at ikaw rin…Kahit di mo sabihin may kasalanan ka rin…ano ang ginawa mo ngayong semana santa nagnilaynilay ka ba sa mga kasalanan mo at humingi ng tawad sa DIYOS..Oh nagpapanggap kang nagsisisi at nakiki  join lang sa iba kc no choice ka..O isa ka sa mga nag iinom at nakikipag barkadahan lang at nakatambay habang ang iba ay lubos at taos sa puso nila ang kanilang ginagawang pagsisi…tinatamaan ka ba sa sinasabi ko…Makinig ka ganito kasi yon…Bakit ba kailangan palaging nasa huli ang pagsisi..ngayong panahon ng semana santa marami ang nagtitika o nagsisi sa kanilang mga kasalanan pero paglipas ng ilang araw balik nanaman sa kasalanan uuli’t uli..Palagi na lang ganun..siguro nga ganun talaga ang mga tao….ikaw sa tingin mo ba isa ka sa kanila..Marami ka rin bang ginawang kasalanan…Marunong ka bang magdasal? Nagsisimba ka ba pag linggo? Katoliko ka ba? Alam mo ba ang sampung utos ng DIYOS?Kilala mo ba SIYA?Sino kaba? Alam mo ba kung saan ka nagmula o sinong lumikha sayo..

      Ngayong araw nato marami ang nag aalay lakad..kasi ngayong araw ding ito ng semana santa naglakad si KRISTOng pagkalayo layo habang inaalipusta SIYA ng mga tao at pasan pasan NIYA ang mabigat na krus..Sa tingin mo bakit NIYAginawa yon? Para tubusin ang ating mga kasalanan..Sa totoo lang hindi ako madasaling tao..Pero kilala ko SIYA kasi bahagi na SIYA ng buhay at buong pagkatao ko..aamini ko meron rin akong mga nagawang kasalanan pero hindi pa ako nagkaron ng mortal na kasalanan…

     Pamilyar ka ba sa sampung utos ng DIYOS?Naalala mo pa ba ang lahat ng yon? Ipapaalala ko sayo kung ano ano ang mga yon, narito sa ibaba:

        ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS

1. Ibigin mo ang DIYOS ng lalo at higit sa lahat.

2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.

3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.

4. Igalang mo ang iyong ama at ina.

5. Huwag kang papatay.

6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.

7. Huwag kang magnanakaw.

8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.

9. Huwag kang mag nanasa sa hindi mo pag- aari.

10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.


[TOP]

Published in: on March 21, 2008 at 2:53 pm  Leave a Comment  
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.